Sa Kabilang Mundo

Hindi ko inisip na magiging makatotohanan ang lahat, hindi ko din pinilit na magtatagal ka gaya nang matagal kong pag hiling sa iba, inisip ko na iba ka sakanila na pinag ubusan ko nang panahon, iba ka, dahil sa una palang malinaw ang salitang sinta ay hindi para sa isa't isa.


Sa bawat sandali hindi naiwasang pagmasdan, ang ngiti mong nag bigay sigla sa mundo kong minsan nang naging mailap, mga haplos sa balat kong tila'y kuryenteng dumaloy, ang kamandag nang labi mo sa akin ay lumason.

Akala ko noon isang madaling laro lang ito, ang laro na kapag ayawan na ay madaling ihinto, o kapag pagod kana sa pag takbo isang sigaw lang ng "taym pers" titigil ang mga kalaro, ngaun sa larong ito ang pag sigaw ng hinto ay siya rin paghinto ng mundo ko.


Sabay natin nilasap ang matatamis na sandali, nagtago sa likod ng matamis na mga ngiti, tila'y isang bangungot na ayaw mo nang magising, dahil sa pag mulat mo alam mong biglang bawi ng mundo sayo ang ligaya subalit mali.

Mali dahil sa hindi ko pag laban, na ang mistulang kalaban ay ang mismo ang aking katauhan, nagpasakop ako sa sariling kahinaan, tanga lang ba ako o sadyang talunan?

Sa larong ito ako ang talo, dahil hindi ko kinaya ang pag pigil sa mundo, ang mundo na minsan nating nilikha, ang mundo na nag lisan satin sa realidad at nag dulot ng ligaya, natalo ako sa larong ito, natalo ako at umuwing hindi ko hawak ang puso mo.

Malinaw naman talagang walang ikaw at ako, oo, ang tayo, ay makikita lang sa kabilang mundo, doo'y nananahan sa ulap ng kaligayahan, unti unting nalulunod sa karagatan ng galak. Heto ang bagay na meron tayo, kahit wala naman talagang ikaw at ako.


Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Hindi maikukubling sadyang hindi patas ang mundong iyong iniikutan. Sa pagdaaan ng mga araw ay patuloy kang binabago ng iyong isipan, nang iyong kilos, nang iyong pagtingin sa bawat bagay, tao at pagibig. Panatilihin mo Ecka ang iyung kagandahan, kagandahan na tumatalima hindi lang sa paningin ko kundi sa puso mismo. Kagandahang hindi maitatago, mapusok at may pag asa

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts