Ang Tamis ng Pait Nang Pag ibig

Nang isang gabing nag panagpong muli ang ating mga mata kasabay ng pag hawi mo s balat ko na tila'y dahan dahang pinupunit ang bawat hibla ng aking katauhan, hindi ko man akalaing naramdamang muli ang init na minsan nang tumunaw sa malamig na pag asang hindi na pag sinta. Sa muling pag lapit mo ay higit kong naramdaman ang tibok ng puso mo na sumasabay sa awit ng puso ko na pangalan mo lang ang alam na kataga. Mga araw na minsang nag lisan sa akin sa realidad at maniwala sa bisa ng iyong agimat. Ang alinlangang hindi ko maalis na pag bigyang pagkakataong yakapin muli ang bagay na minsan nang pumatay sa halos kalahati ng pag asa ko kung saan iginapos ko ang puso ko papalapit sa puso mo at doo'y pinilit kong pasukin ang mundo mo at nag baka sakaling makita ko ang nawawalang sarili na noo'y baliw na baliw sayo.

Takot na takot ako, sobrang takot, mga pagkakataong hindi ko alam kung may lakas pa ba akong lumaban sa kung ano mang sandata ang ibato papasok sa kaharinan mo. Akala ko matigas ako, pero matigas lang pala ang ulo ko. Hinamon ang panahon, sinubok ko ang pagkakataon. muling niyakap ang madilim na mundo na minsang nang lumamon ng landas ko. Tila'y muling susulat ng isang istorya na tanging ikaw at ako lang ang karakter sa pelikula. Isang katauhang muling bubuo ng isang gabing payapa malayo sa bangungot na noo'y aking kasakasama sa pag tulog. Pakiramdam mo'y isang majika na minsan nang pinitik ang puso mo na tanging hiling na sana'y paulit ulit mong maramdaman ang pintig nito. Muling titikman ang pait na matagal nang nananahan sa aking mga labi at makipag sapalarang  malasahang muli ang tamis ng sandali,  ang kaligayahang mahalin ng isang anyong ikaw na magpapawi sa lahat nang nag silbing libingan ng mga alaala ng kamatayan. Ang kaligayahang maging ugat ng bagong yugto ng buhay na tanging ikaw at ako lang ang nakapaloob.

Sa lahat nang unos na pinag daanan, nandito padin ako't umaasang matakpan ng matingkad na bahaghari ang madilim na ulap na pumalibot sa sangkatauhan ko. Mga bulaklak na muling sasayaw sa saliw ng huni ng mga ibong malaya sa himpapawid. Masilayan ang ngiti ng haring araw sa dalampasigan kasabay ng paghalik nito sa buwan bago ito magpaalam sa kalangitan. Ang maningning na pagkurap ng mga bituin sa langit kagaya ng iyong pagsulyap na minsan kong pinangarap at pinapangarap pa.

Comments

Popular Posts